PAGMAMAHAL NG TATAY
Minsan,hindi ko napapansin sa tuwing kinakanta o naririnig ko ang kantang DANCE WITH MY FATHER kusang bumabagsak ang mga luha ko. Isa sa mga dahilan ay alam ko na dadating ang araw maaaring mawala rin sa akin ang aking ama. Pangalawa, naiisip ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ng isang anak na nawalan ng isang ama. Kasama pa rito,doon sa kanta may mga lyrics na nagpapakita kung gaano ang pagmamahal ng ama sa kanyang anak. At kung ano ang kayang gawin at gagawin ng ama sa para sa kanyang anak. Naiiyak ako kasi alam ko na dumadating yung pagkakataon na hindi ko nabibigyang halaga ang mga pagmamahal na iyon.
May lyrics sa kanta na sobrang nagpaantig ng damdamin ko ito ay ‘’If I could get another chance,another walk,another dance with him. I'd play a song that would never ever end. Cause I love love love to dance with my father again.” Dito naramdaman ko kung gaano ang kagustuhan ng anak na makapiling muli ang kanyang ama. Sabi nga nya kung bibigyan man siya ng pagkakataon magpapatugtog siya ng kanta na hindi matatapos. Naisip ko,swerte ako kasi kapiling ko pa ang aking ama kaya dapat huwag kong sayangin ang mga oras na kasama ko siya.
Hindi ko maitatanggi na malapit ako sa tatay ko. Dahil noong bata ako sinasabi ng mga kaibigan nya,lagi daw akong nakabuntot sa tatay ko. Sabi naman nya, eh pare!anino ko na yan! Isa pa,mula nang nag-aral ako sa elementarya hanggang haiskul,puro tatay ko ang dumadalo sa mga pulong. Minsan nga nag-aaway pa sila ng nanay ko dahil lang kung sino ang dadalo. Hindi siya nahihiya na siya lang yung lalaki na nandun. At dahil dun,ramdam na ramdam ko kung gaano nya ako kamahal.
Minsan natanong ko sa sarili ko, hihintayin ko pa ba yung pagkakataon na mawala muna sa akin ang aking ama para mapansin ko at mabigyang halaga ang pagmamahal niya?
“THE PRAYER”MAKES ME CRY
Ang musika ay parte na ng buhay ng mga tao kapag nakakarinig tayo nito,dito lumalabas ang iba’t-ibang emosyon at ating pagkatao. Nakakapagbigay ito ng saya at kung minsan naman ay kalungkutan. Pagtuunan natin ng pansin ang mga kantang nakapagbibigay sa atin ng kalungkutanat ninsan ay nakakapagpaluha pa.
Kasama na sa mga kantang ito na nakapagpaluha na sa akin ay ang”THE PRAYER”isang kantang naglalaman ng isang dasal. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo napapalungkot at napapaluha ng kantang ito?
Ibabahagi ko ang aking karanasan noong unang beses ko narinig ang kantang ito. Nanonood ako noon ng isang palabas sa tv,may isang lalaki na kumanta ng”THE PRAYER”. Noong mga panahong iyon,hindi pa ako masyadong pamilyar sa kantang iyon,ngunit nang pakinggan ko na ito,dito lumabas ang pagiging emosyonal ko. Nakapagbigay ito ng kalungkutan sa akin. Dahil na rin sa mensaheng nakakapagpadaka sa akin ng mga bagay o mga pangyayari sa aming buhay.
Ayon na din sa iba,nakakapagpaluha din ito dahil sa tono at saliw ng musika. Mabagal, malungkot na nakapag-bibigay din sa tao ng isang malayang pag-iisip,nakakapag-isip ng mga bagay na maaaring iugnay sa kanta.
Dahil sa mga dahilang ito,tunay nga na nagbibigay ito ng kalungkutan sa bawat isa at nakakapagpaluha na din sa akin. Isang patunay ito,na inaalisa nitong mabuti ang mensahe ng kanta at naaapreciate natin ang kagandahan nito.
SA PILING NI INA
Ang kantang pinamagatang”UGOY NG DUYAN” ay nagpapahayag ng malalim na pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob ng isang anak sa kanyang butihing ina. Dito niya sinasariwa ang mga alaalang kailanman ay hindi niya maibaon sa limot kung kaya’t ninanais niya na sana ay hindi maglaho o mawakasan ang matamis na pagsinta na namamagitan sa kanikla ng kanyang ina na nagsisilbing ilaw sa kanyang tinatahak na landas.
Kung ating dadamahin ang nilalaman ng nasabing kanta,tiyak na ating mababanaag sa ating kaisipan at damdamin ang hindi mapapantayan na pagmamahal na nakapaloob rito kung kaya’t maari ka pang maluha lalo pa kung labis ang koneksyon sa inyo ng iyong ina. Kahit hindi kami malapit ng nanay ko,sobra akong naantig ng mensaheng nais ipabatid ng persona ng kanta,iyong bahaging pinakanakakuha ng loob ko ay ito”awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan”. Iyon ang napili ko dahil makikita natin na mula pa pagkabata ay nabuo na ang nag-uumapaw na pag-iingat sa kanyang ina. Napaiyak ako nito dahil sa ipinaramdam nito sa akin ang pakiramdam na tunay nga na wala ng hihigit pa sa sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Ano pa mang ugali ang mayroon ang isang anak,buong-buo pa rin siyang tatanggapin ng maunawaing ina. Mula nang nasa sinapupunan pa lang tayo ng ating mga ina,labis-labis na ang pag-aaruga sa atin ay kanyang inuukol.
Sinusubaybayan niya tayo sa ating paglaki at hanggang ngayon ay hindi magsasawa sa paggabay sa atin tungo sa ikakabuti natin. Sana ay tanawan natin sila ng utang na loob lalo pa’t magiging magulang rin tayo paglipas ng panahon. Maging gabay dapat natin ang ating mga magulang para sa ating magandang buhay. Wala naman sigurong magulang na nais mapahamak ang kanyang mga anak. Kaya ngayon,hangga’t may oras pa,halina’t ipakita’t iparamdam sa kanila ang pagmamahal na hindi nila malilimutan lumipas man ang panahon.
Sinusubaybayan niya tayo sa ating paglaki at hanggang ngayon ay hindi magsasawa sa paggabay sa atin tungo sa ikakabuti natin. Sana ay tanawan natin sila ng utang na loob lalo pa’t magiging magulang rin tayo paglipas ng panahon. Maging gabay dapat natin ang ating mga magulang para sa ating magandang buhay. Wala naman sigurong magulang na nais mapahamak ang kanyang mga anak. Kaya ngayon,hangga’t may oras pa,halina’t ipakita’t iparamdam sa kanila ang pagmamahal na hindi nila malilimutan lumipas man ang panahon.
IINGATAN KA HANDOG PARA KAY INAY
Mahilig ako sa pagkanta,isa sa mga nagustuhan kong awitin ay IINGATAN KA ni Carol Banawa dahil sa ganda ng mensahe na siyang nakakapagpaiyak sa akin. Sa tuwing naririnig ko ito hindi ko maiwasang maalalaang mama ko. Kahit mag-isa na lang siyang tumataguyod sa amin,kinakaya niya kahit mahirap kaya masasabi kong napakaswerte ko.
Ngunit nakakalungkot ang mga taong hindi naranasan ang kalinga ng isang ina,sabi sa kantang iingatan ka”sa buhay kong ito tanging pangarap lang ang iyong pagmamahal ay makamtan,kahit na sandal ikaw ay mamasdan,ligaya’y tila ba walang hanggan”. Hindi ba’t masarap magkaroon ng isang ina? Yung mararanasan mo yung pagmamahal niya,kaya’t nagdarasal ako sa Panginoon,na sana ay parati siyans nandyan,pero alam ko iiwan niya rin ako. Sabi sa kanta na”sana’y ‘di na magising pa kung nangangarap man din kung ang buhay na makulay ang tatahakin”. Sana nga habang buhay,iniisip ko palang na mawawala rin siya ,nadarama ko yung matinding kalungkutan,alam mo ‘yon? Wala ng mag-uutos sayo,magagalit at magbubunganga. Kapag may problema ka,sino na ang magpapayo,dadamay at magsusubaybay sayo,katulad ng dati. Mahirap bumuo ng bagong simula. Siya na nakasanayan mong lagging kasama,tumutulong sa iyo kapag hindi mo na kaya. Sabi ulit sa kanta “minsan ay madarapa,minsan dinay luluha di ka na maninimdim pagka’t sa buhay mo ay may nagmamahal pa rin.” Kahit nga minsan may nagagawa kang kasalanan hindi pa rin maaalis sa kanya ang pagmamahal niya sa iyo.
Kaya kailan pa tayo kikilos? Kung kailkan huli na ang lahat. Habang maaga pa,matuto tayong ipakita ang pagmamahal natin sa kanila. Lalo na sa ating ina na napakaraming sakripisyo ang nagawa para sa atin. Kaya nararapat lang na suklian natin ang kanyang paghihirap kahit sa mga simpleng paraan. Inihahandog ko ang awitin na ito sa aking ina,na naglalaman ng “Iingatan ka,aalagaan ka,sa puso ko ikaw ang pag-asa,sa’ting mundo may gagabay sa’yo,ang alay ko’y itong pagmamahal ko,may nagmamahal aakay sa’yo,aking ina’y ikaw ang nagbigay ng buhay ko,buhay na kay ganda pangarap ko na nakamtan ko na.”
ISANG AWITING NAGPALUHA SA AKIN
Likas sa atin ang pagiging emosyonal lalo na kung may mga bagay-bagay na nakakaimpluwensya upang balikan ang ating nakaraan. Maaaring ito’y malulungkot o kadalasa’y maliligayang sandali na mahirap kalimutan na lamang agad-agad. Kaya naman ito’y nakatatak na at palagian ng sumasagi sa ating isipan. Lalo na kung ang taong nakasama mo ng mga panahong iyon ay lumisan na sa buhay mo. Kadalasan pa nga’y may mga bagay na naiwan sa atin mula sa kanila kaya’t ito’y isa na rin sa mga dahilan na nagdadala sa atin sa pagiging emosyonal. Ngunit hindi lamang ang mga bagay-bagay nay an ang nakakaimpluwensya sa atin upang maging emosyonal dahil may mga awiting nakakapagpaalala sa atin lalo na kung ang awiting ito ay may kinalaman sa ating nakaraan o kung minsan pa nga’y ibinabagay natin ang awitin sa ating buhay na kinalalagyan.
Ako bilang isang indibidwal ay masasabi ko na madali akong maimpluwensyahan ng mga malulungkot na awitin na nagtutulak sa atin upang maging emosyonal. At isa sa mga awiting ito ang awiting “Farewell” kung saan ang awiting ito ay nagpapahayag ng pagpapaalam sa mga taong naging malapit sa buhay mo at ang awitin ring ito ang nagdala sa akin upang lalo akong maging emosyonal nung mga panahong ako’y nagtatapos ng elementary at sekondarya na kung saan ay hindi ko napigilang humagulgol ng iyak dala ng awiting ito.
Kaya naman masasabi kong napakahalaga ng musika sa ating buhay sapagkat, nang dahil sa mga awitin madali nating nabibigyang kahulugan ang bawat pangyayari sa ating buhay, kung bakit ito naganap. Sapagkat madali tayong makakapagnilaynilay at maihahambing ang bawat pangyayari kung may halong musika. At ito rin ang lubos na nagtutulak sa atin upang lalong maging emosyonal.